Thursday, September 23, 2010

Manila 2010: PNoy nananghalian ng hotdog sa New York

Sixth Avenue (Avenue of the Americas) in Manha...Image via Wikipedia
Kasama ang kanyang security detail, at napapaligiran ng media nang maglakad si Pangulong Aquino sa Manhattan para kumain ng simpleng tanghalian. Dito sa hotdog stand sa kanto ng West 45th Street at 6th Avenue nag-order ng $2 hotdog sandwich ang Pangulo na parang ordinaryong New Yorker.

Nilibre niya ang ilang reporters, aide at iba pang opisyal. Nagbigay muna siya sa iba, bago kainin ang sariling order. Simpleng hotdog sandwich ang gusto ni Pangulong Noynoy; ketchup lang ang dagdag na pampalasa. Sabi ng Pangulo, huli siyang kumain nito noong 1999 kaya naman hinanap muli ng panlasa nya. Ikinagulat ang mga tao ang dami ng camera sa hotdog cart.


Presyo ng lahat ng hotdog sandwich at mga inumin, $54, o mahigit P2,000.


Enhanced by Zemanta

No comments:

Post a Comment